Sabik-sabik na ang lahat ng mga Pilipino matapos
ibalita na kabilang ang Pilipinas sa mga napiling bansa kung saan idadaos ang
papalapit na FIBA Baskeball World Cup ngayong taon ng 2023. Ginanap ang host announcement
ceremony sa FIBA Headquarters sa Mies, Switzerland noong ika-9 ng Disyembre,
taong 2017.
Ang tatlong bansa na napili sa pagdaos ng nasabing pangyayari ay Japan, Philippines, at Indonesia. Pinangunahan nina Yuko Mitsuya ng Japan Basketball Association, JBA, Philippine businessman at SBP Chairman na si Emeritus Manuel V. Pangilinan at ang Indonesian businessman at ang president ng NOC Indonesia na si Erick Thohir.
“Hosting the Fiba Basketball World Cup in the Philippines, Japan,
and Indonesia is good because it does spread the basketball fever around in
those countries instead of concentrating it in one place,” panayam ni Pangilinan.
Ang kasabikan ng mga Pilipino ay umapaw dahil sa inaasahang
pagdalo ng mga sikat na manlalaro ng basketball.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento