PALAKASAN: Regu B pinadapa ang Regu A sa Sepak Takraw



ISPAYK VS. ISPAYK. Mainit ang naging labanan sa pagitan ng Regu A at Regu B. Pinangunahan ng mga ispayker ng bawat koponan ang laro. 

Nagpasiklab ang koponan ng Regu B matapos nilang pataubin ang katunggaling koponan ng Regu A sa isang pang-eksibisyong laro ng Sepak Takraw sa mga iskor na 21-16, 19-21, 20-17. Ginanap ang makapigil-hiningang bakbakan na ito sa open court ng Don Carlos Gothong National High School ngayong ika-11 ng Disyembre, kasabay ang mainit na panahon.
Harold Batuigas, ispayker ng Regu A

          Isang matinding labanan ang iginawad ng koponang Regu B sa unang set pa lamang. Nanguna ang spiker at team captain na si Roy Subing-Subing kung saan nagpamalas siya ng mga mababagsik na sipa dahilan upang mahirapan ang koponang Regu na kontrolin ang laban.
Roy Subing-Subing, ispayker ng Regu B
          Hindi nagpakita ng kahinaang-loob ang Regu A pagtungtong ng ikalawang set kung saan nagawad si Harold Batuigas ng mga nagliliyab na sipa at blocks dahilan upang magwagi at mabawi nila ang laban.
          Hindi na pinakilos pa ng koponang Regu B ang kalaban at pinatikim pa ng mga malakidlat na sipa. Sinubukan pang kontrolin ng Regu A ang init ng bakbakan subalit hindi nila natapatan ang bagsik na ipinakita ng Regu B.
Malaki ang naging ambag ng ispayker na si Subing-Subing sa kanilang pagkapanalo laban sa Regu A. 
          “Teamwork, ug salig sa kauban ang among key maong nidaog mi sa dula,” panayam ni Subing-Subing.

          Ayon naman kay Batuigas, “Wala miy teamwork and we need more practice.”

Mga Komento