LATHALAIN: Makinarya ng Pasko: Ang Pamilyang Pilipino

Kinuha mula sa http://www.bayanmall.org/blog/wp-content/uploads/2015/12/filipino-christmas.jpg

Ang Pasko. Sa panahong ito bubungad ang diwa ng pagdiriwang kasama ang pamilya. Ang mga mesa ay napupuno ng mga pagkaing nakahain para sa lahat na pangkat ng pamilyang nagkakasamang parang tanikalang pinagtagpo-tagpo ng mga bakal ng pagmamahalan. Habang nakaratay sa kariktan ng ating mga mata ang makulay na salit ng kulay at kinang, sinasalamin sa mga tahanan ang pagkakabuklod-buklod ng pamilyang Pilipino.
            Nasa ibayong-dagat man ang mahal sa buhay tila isang linyang hindi napuputol ang paglulukso ng mga dugo at paghawak ng mga kamay sabay salo-salo sa malapad na hapagkainan ang umaapaw sa kaibuturan ng mga puso ng bawat pangkat ng pamilyang Pilipino. Agwat ma’y guhit-tagpuan ng kalupaan at kalangitan katulad ng Krismas tri na hindi natutumba ng kahit anong unos at hindi natitinag ng kadiliman ng mundong ating ginagalawan, hindi natitinag ang pagiging isa ng mga miyembro ng pamilya kahit pa man ang bubong ay isang malawak na kalangitan na sinisikatan ng dilaw na araw sa kabilang dulo at lumulubog naman na kahel na tila umaapoy na araw sa kabilang dako ng mundo.
            Malawak nga na kalangitan ang bubong. Layo ma’y hindi nasusukat ng pandamang kaanyuhan, ngunit kung titingnan ang kalangitan, may araw, may tala, may bahaghari, may kalangitang nagsisimulang bughaw na marikit na transisyon  ng kalupaan at kalangitan, at magtatapos sa marangyang pagpapasiklaban ng kinang ng bituin, sa maliwanag na buwan, at sa madilim na kalangitan.

            Isang malakas na makinarya sa Pasko ang pamilyang Pilipino. Inilalarawan ng pagmamahal ang pagpapatakbo sa usad ng Pasko na pinaandar ng nagmamahalang mga pamilyang Pilipino. 

Mga Komento

Mag-post ng isang Komento