Nagpalabas ng pahayag ang kompanya ng Sanofi Aventis ukol sa pahamak na maaaring dala ng bakunang Dengvaxia laban sa Dengue Fever. Ayon sa kanila, ang mga nabiktima na ng Dengue virus ng isang beses ay maaaring mapahamak kung sila ay magpapaturok sa bakuna. Dapat na nga ba tayong mangamba sa pahayag na ito? Ang kasagutan ay isang oo.
Nararapat lamang na ang mga bakuna ay magbibigay proteksyon sa matuturukan nito. Ito ay naglalaman ng weakened virus ng Dengue. Ngunit bakit tila may nagbabadyang gulong dulot ang bakunang ito? Bakit sa halip na protektahan ang sangkatauhan ay mas nilalapit nito ang tao sa kapahamakan?
Inaksyunan kaagad ng Kagawaran ng Kalusugan ang nasabing insidente. Hinanap nila ang mga nabakunahang estudyante. Naitala sa Iba, Zambales ang kauna-unahang pagbabakunang naganap sa bansa noong 2014. Kasalukuyan pa ring isinasailalim sa imbestigasyon ang nasabing kaso.
Usad pagong kung iisipin ang nasabing pag-aksyon ng kompanya. Umabot pa sa tatlong taon ang kanilang pag-iimbestiga kung saan lumabas na maaari nga itong magdala ng pahamak sa mga nagpapaturok rito. Walang katiyakan ang patutunguhan ng imbestigasyon sa nasabing bakuna. Ngunit handang sumugal ang ibang mga mamamayan para sa proteksyong pangako ng Dengvaxia.
Ang pagsugal sa nasabing bakuna ay walang katiyakan. Handang ipagpapalit ng mga konsyumer ang kanilang kaligtasan sa kaunting pag-asang hindi sila kailanman matatablan ng Dengue virus. Ngunit dapat ating tandaan na tunay nang napatunayan na may potensyal na magdulot ng kasamaan. Ang lagim na dala ng bakunang Dengvaxia ay patuloy pa ring nananahimik, naghihintay na dukutin ang susunod nitong magiging biktima.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento