PAGSABAK SA PAGSUBOK. Naglaban-laban ang labing-siyam na dibisyon ng Rehiyon 7 sa RSPC 2017. Inaasahan mula sa bawat manlalahok ang patas at makatotohanang balita |
Ang mensaheng ito ay hatid ni OIC Assistant Regional Director Dr. Salustiano T. Jimenez sa pagbubukas ng gyera ng salita o mas kilala bilang 2017 Regional Schools Press Conference (RSPC) sa Cebu City Sports Complex ng tinaguriang Queen City of the South Cebu City para sa lahat ng mamamahayag na nagwagi sa kani-kanilang dibisyon noong ika-9 ng Disyembre, 2017.
Labing-siyam na dibisyon ang lumahok sa RSPC mula sa probinsiya ng Cebu kasama ang muling pagbalik ng mga dibisyong sakop ng lungsod ng Negros Oriental.
Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng parada at misa na sinundan ng opisyal na pagbubukas ng paligsahan.
Umingay naman ang buong Sports Complex nang isigaw ng kaniya kaniyang dibisyon ang kanilang ginawang ‘yell’. “
Magpatuloy kayo sa pagtabas ng inyong mga kakayahan at gamitin ito upang patibayin ang kalayaan ng pahayagan,” saad ni Dr. Jimenez.
Inaanyaya ni Dr. Jimenez ang lahat ng mamamahayag na magpatuloy sa kanilang hilig sa pagsulat.
Ang unang araw ng kompetisyon ay para sa mga indibidwal na kategorya habang ang pangalawa naman ay nakalaan sa lahat ng grupong paligsahan.
Magtatapos ang RSPC sa SM Seaside Mountain Wing ngayong ika-12 ng Disyembre, 2017.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento