KAMALAYAN SA DENGUE. Nagbahagi si G. Son ng DepEd ng impormasyon tungkol sa Dengue sa kasagsagan ng CDP sa RSPC 2017. |
Ang babalang ito ay hatid ni Department of Health (DOH)
Region VII Director Dr. Jaime S. Bernaldas sa isang panayam na ipinanood ni
School Nurse II Bernard Son sa ginanap na Mini Press Conference (PressCon)sa
Albino D. Gothong Administrative Hall ng Don Carlos Gothong National High
School para sa Collaborative Desktop Publishing (CDP) kaninang umaga.
Inilahad ng PressCon ang mga dapat malaman ng mga
mamamahayag patungkol sa laganap na dengue fever. Tinatayang umabot sa 3,649
ang kaso ng dengue sa Pilipinas noong taong 2015 at 19 naman ang bilang ng
namatay sa sakit sa parehong taon.
“Mas mataas ito ng 9.8% kumpara sa naunang taon. Kung saan
naitala ang 3,323 kaso at 13 ang namatay dahil sa sakit,” saad sa isang report
ng DOH patungkol sa dengue fever noong 2015.
Samantalang humigit kumulang 120,000 ang kaso ng sakit at
1000 ang bilang ng pagkamatay sa taong 2012 sa buong Pilipinas kung saan 19,104
ay mula sa Region VII at 5,698 ang nagmula mismo sa lungsod ng Cebu.
Limangdaang pasyente naman kada linggo ang nakahiratay sa
hospital dahil sa dengue fever noong 2010 ayon sa V. Sotto Memorial Medical
Hospital.
Kabilang ang Pilipinas sa tinatawag na Dengue Belt kung ito
ang pangunahing dahilan ng pagkakasakit at pagkamatay sa bansa.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento